True to Life
I dug up yet another work from my missing Filipino 14 portfolio. This time it's a very short story.
Enjoy :)
4:30 ng hapon. Umaalingasaw ang init sa lansangan; parang mga langaw na nakadapo't nakadikit sa malalagkit na katawan ng mga taong-grasang nakahiga sa mga bangketa ng Taft Avenue. Doble ang init at lagkit na nararamdaman ng mga taong nakaupo, nakatayo, nakasabit, nalulunod sa loob ng LRT. Hindi makahinga si Jonat; halos wala nang hanging mahagilap sa loob ng gumagalaw na sauna na ito. Kung makahinga man siya, halos masuka siya sa fiesta ng amoy na bumabati sa kanya: panis na sigarilyo, bawang at sibuyas, tuyong pawis, at bangkay na nabubulok at inuuod sa ilalim ng lupa.
"Putang ina. Ang bagal naman ng tren," isip ni Jonat. "Kailangan ko nang bumaba."
Hipo.
May naramdamang kamay si Jonat na nakapatong sa puwit niya. "Putang ina!", isip niya. "Patay sa'kin yang gagong yan." Lumingon siya't pinagmasdan ang mga taong nalulusaw sa paligid niya - di-umiimik na batang nakakapit sa inang tulog; pagod na manggagawa sa pagawaan ng sapatos; kulubot na mukha ng matandang (babae/lalaki?) na malapit nang mamatay. "Nasaan ka? Nasaan ka? Magpakita ka, putang ina.", sinigaw niyang pabulong.
Tumigil ang tren sa Gil Puyat. Parang bato si Jonat sa gitna ng dumadagsang dagat ng mga taong pababa at pasakay sa LRT.
Hipo.
May naramdamang kamay si Jonat na nakapatong sa puwit niya. Hindi ito inalis. "Putang ina!," isip ni Jonat. "Patay ka sa'kin ngayon." Lumingon siya at tiningnan ang maliit na kamay na nakadikit, nakadapo sa puwit niya. Sinundan upang makita ang may-ari - maitim na braso; malagkit na katawan; malibag na leeg. Nakatingin sa kanya ang isang unanong nakangiti. Bungi. Panot. Balbasarado. "Putang inang buhay 'to", isip ni Jonat. Tinitigan lang niya ang unano.
Tumigil ang tren sa Vito Cruz. Nagpadala si Jonat sa dumadagsang dagat ng taong pababa sa LRT.
4:45 ng hapon. Umaalingasaw ang init sa lansangan; parang mga langaw na nakadapo't nakadikit sa malalagkit na katawan ng mga taong grasang nakahiga sa mga bangketa ng Taft Avenue.
Enjoy :)
LRT
isinulat 3:45 PM ng Marso 16, 2004

0 Comments:
Post a Comment
<< Home